DOLE, nilinaw na hindi mandatory ang Compressed Workweek

Nilinaw ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) na hindi mandatory para sa pribadong sektor na ipatupad ang Compressed Workweek para sa mga empleyado nito.

Hindi rin dapat ito magdulot ng decreased benefits para sa mga empleyado.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang flexible work arrangement, kung saan pinapayagang bawasan ang normal workweek, ay dapat boluntaryong napagkasunduan ng employer at employee.


Ang bilang ng working days ay pwedeng bawasan subalit ang bilang ng working hours kada Linggo ay mananatili sa ilalim ng arrangement.

Layunin ng Compressed Workweek ay palakasin ng Business Competitiveness at Productivity sa trabaho para ma-i-promote ang work-life balance.

Iginiit din ng DOLE na hindi dapat makaapekto ito sa kasalukuyang benepisyong natatanggap ng mga empleyado.

Facebook Comments