DOLE official: Mga OFW sa Kuwait, konting pasensya lang muna

Manila, Philippines – Umapela si Labor Under Secretary Jacinto Jing Paras sa mga Overseas Filipino Workers na konting pasensya lang muna at mareresolba rin ang sigalot sa usapin ng pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait.

Ayon kay Usec. Paras kapakanan ng mga OFW ang kanilang prayoridad kayat hindi umano nila minamadali ang pagtanggal ng ban sa pagpapadala ng mga manggagawang pinoy sa Kuwait.

Paliwanag ni Paras tinutugunan naman nila ang problema ng mga OFW pero sa ngayon umano ay huwag munang magpadala hanggat hindi pa maayos ang arrangement sa pagitan ng Kuwaiti Govt. at ng gobyerno ng Pilipinas na magarantiyahan na ligtas ang mga OFW doon.


Kasalukuyan anyang isinasapinal ang pag-uusap ng gobyerno ng Kuwait at ng Philippine government mangyari na magandang protection sa mga OFW.

Facebook Comments