DOLE, pinaalalahanan ang mga employer na sudin ang tamang pasahod

Pagadian, Philippines – Muli namang pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE- Zamboanga Del Sur) ang mga employer na sundin ang wage rule o tamang pasahod kasabay sa paggunita ng Labror Day ngayong araw.

Sa panayam ng RMN kay Camilo Encila, DOLE provincial director, dapat sundin ng mga employer ang minimum wage sa lalawigan at lungsod ng Pagadian na aabot sa P296 bawat araw.

Tinayang aabot naman sa mahigit 40,000 na bakanteng trabaho ang binuksan ng DOLE region 9 sa isinagawang jobs fair doon sa lungsod ng Zamboanga.


Nilinaw naman ni Encila na maaring mag-apply ang aplekante na mula sa ibat-ibang lalawigan sa Zamboanga Peninsula.
DZXL558

Facebook Comments