DOLE – pinaalalahanan ang mga employer sa tamang pagpapa-sweldo sa mga manggagawang papasok ngayong araw ng kagitingan at sa holy week

Manila, Philippines – Muling pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment ang mga employer na bayaran nang tama ang mga empleyadong papasok ngayong Araw ng Kagitingan, April 9, Huwebes Santo sa April 13 at Biyernes Santo sa April 14.

Ayon sa DOLE, dapat na makatanggap ng 200 percent na sweldo ang mga manggagawang papasok sa mga nabanggit na petsa habang makatatanggap pa rin ng 100 percent na sweldo ang hindi papasok.

Babayaran naman ng karagdagang 30 percent ang kada-oras na overtime.


Para naman sa special non-working day sa Sabado De Gloria sa April 15, makatatanggap ito ng karagdagang 30 percent na bayad at 30 percent sa kada-oras na overtime.
Nation”

Facebook Comments