DOLE, pinaalalahanan ang mga employers na bayaran ng tama ang mga empleyado ngayong Nov. 1, 2 at 30

Muling nagpaalala ang pamunuan ng Department of Labor and Employment o DOLE sa mga pribadong sektor na bayaran ng tama ang mga manggagawa ngayong November 1, 2 at 30, na Non-Working, Special Working at Regular Holiday.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang Labor Advisory No. 19, series of 2021 na inisyu ni Acting Secretary Ana Dione, nakasaad ang tamang computation sa sahod ng mga manggagawa kapag ganitong holiday.

Paliwanag ng kalihim kapag ang empleyado ay hindi pumasok sa trabaho ang “no work, no pay” principle ay ipatutupad maliban na lamang kung mayroong policy ang kompanya , practice, o Collective Bargaining Agreement (CBA) na pagbibigay ng special day.


Kapag ang empleyado naman ay pumasok sa special day at nagkataon na day off niya bibigyan siya ng karagdagang 50 percent sa kanyang basic wage sa unang walong oras ng trabaho, kapag nag -overtime work naman at bumagsak sa kaniyang day off babayaran siya ng karagdagang 30 percent sa oras na trabaho.

Kapag ang empleyado ay hindi pumasok sa holiday babayaran siya ng 100% sa kanyang sahod at kapag pumasok naman ay babayaran ng 200% sa kanyang regular salary para sa unang walong oras.

Samantala ang mga establisyemento naman na tuluyan ng sarado ang kanilang operation sa Community Quarantine ay exempted sa pagbabayad ng holiday pay sa November 30, 2021.

Facebook Comments