DOLE, pinadadagdan ang cash assistance sa ilalim ng ECP

Naniniwala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ang ₱10,000 cash assistance sa ilalim ng Employees’ Compensation Program (ECP) para sa mga empleyadong nagpositibo sa COVID-19 ay dapat madagdagan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kailangang maitaas ang benepisyo ng mga manggagawa.

Nais ng kalihim na itaas ang natatanggap na benepisyo para mga manggagawa hanggang 50,000 pesos.


Kumbinsido rin si Bello na may sapat na pondo ang Employees’ Compensation Commission (ECC) para dito.

Samantala, iniulat din ng DOLE na ang ECC ay nakapaglabas ng 827 million pesos para sa 80,000 manggawa.

Aabot sa ₱20.7 million cash assistance ang naipaabot para sa COVID-19 cases sa higit 2,000 frontline workers.

Ang ECC ay attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng benefit package sa mga empleyado.

Facebook Comments