DOLE, pinag-aaralan ang paghiling ng karagdagang pondo para sa cash aid program para sa mga OFW

Sinisilip ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad na humiling ng karagdagang pondo para sa cash assistance program para sa mga displaced OFW sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakatanggap na sila ng nasa 450,000 applications para sa kanilang Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program, na layong magbigay ng ₱10,000 o $200 cash aid sa mga OFW.

Ang inisyal na ₱1.5 billion ay nakalaan para sa tinatayang 150,000 displaced OFWs, at ito ay dinagdagan ng karagdagang ₱1 billion para sa mga bagong aplikante.


Sinabi ni Bello na posible pa ring magkulang ang kasalukuyang pondo para sa programa kaya posibleng hihiling muli sila ng karagdagang budget.

Gayumpaman, sinisikap ng DOLE na buhayin ang programa sa pamamagitan ng natitirang budget lalo na at hindi lahat ng application ay maaaprubahan.

Facebook Comments