Pinaghahandaan na ng Department Of Labor And Employment ang voluntary repatriation ng mahigit sa apat na libong overseas Filipino workers na naiipit ngayon sa nangyayaring civil war sa Libya.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakikipag-ugnayan na sila sa Department Of Foreign Affairs para matukoy ang mga OFWs na kasalukuyang nagta-trabaho ngayon sa nasabing bansa kung saan libre ang pagpapa-uwi sa mga ito.
Sinabi pa ni Bello na kanilang idedeklara ang total deployment ban sa Libya makaraang itaas ng DFA ang alert level 3 at kung sakaling umabot daw ito sa alert level 4 ay sapilitan nilang pauuwin ang mga OFWs.
Bibigyan naman nila ng financial assitance na 20, 000.00 pesos ang mga OFWs na uuwi sa Pilipinas at magkakaroon din sila ng livelihood assistance sakaling ayaw na nilang bumalik pa sa Libya.