DOLE, pinagpapaliwanag ng isang kongresista ukol sa umano’y iregularidad sa TUPAD program

Pinagpapaliwanag ni House Committee on Metro Manila Development Chairperson at Manila Second District Representative Rolando Valeriano ang Department of Labor and Employment o DOLE.

Kaugnay ito sa umano’y iregularidad sa programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers.

Basehan ni Valeriano ang natanggap niyang reklamo mula sa mga taga-Maynila na may mga nabibigyan ng umano ng benepisyo sa ilalim ng TUPAD noong panahon ng pandemya kahit na hindi dapat.


Nabatid din ni Valeriano, may mga tunay na benepisyaryo kabilang ang senior citizens na binabawasan nang malaki o kinikikilan ang natatanggap nila sa ilalim ng TUPAD program.

Sa ilalim ng TUPAD program, nagbibigay ang DOLE ng P5,370 na payout bilang emergency o financial assistance sa mga nawalan ng trabaho, underemployed at vulnerable workers.

Facebook Comments