DOLE, pinamamadali na ang mga regional directors para sa pamamahagi ng mga cash assistance sa mga rehiyon

2123

Pinamamadali na ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang mga regional directors para sa pamamahagi ng mga cash assistance.

Ito ay upang matulungan ang mga empleyadong nawalan ng trabaho kaugnay ng ipinapatupad ng enhance community quarantine sa Luzon.


Ayon kay Bello, nakausap na aniya nito kagabi ang mga regional directors at minamadali na ang pamamahagi ng mga cash assistance.

“Sinabi ko na bilis-bilisin nila ang pagbibigay ng aming cash assistance under two prorams, ’yong isa ay yung camp (COVID assistance messure program) at yung isa ay tupad “

Nanawagan naman si Bello sa mga employer na ipadala na ang listahan ng kanilang mga mangagawa para maipadala na ang cash assistance.

Facebook Comments