Pinuri at pinasalamatan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang pagbasura ng Qatar sa kafala system.
Ayon kay Bello, ang nasabing desisyon ay magbibigay ng proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa.
Makatutulong din aniya ito sa mga kababayan natin sa Qatar na nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya.
Ang kafala o employment sponsorship system ay ugnayan ng domestic worker sa kaniyang employer, dito kinakailangan munang humingi ng permiso ng isang manggagawa bago magpalit ng trabaho at “amo”, na dahilan nang pang-aabuso sa mga migrant workers.
Ang kafala system ay ginagamit ng mga kasapi ng Gulf Cooperation Council at iba pang bansa.
Mismong ang United Nations ay nanawagan na rin na i-abolish ang kafala migrant worker system.