DOLE, pinayagan ang mga kumpanya na hindi muna ibigay ang holiday pay para sa Araw ng Kalayaan

Pinayagan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor na ipagpaliban ang pagbabayad ng holiday pay sa kanilang mga empleyadong papasok sa June 12, Araw ng Kalayaan.

Batay sa Labor Advisory No. 20 series of 2020 kung saan nilalaman nito ang mga guidelines para sa holiday pay rules.

Ayon sa DOLE, maaaring hindi muna ibigay ng mga employer ang holiday pay hanggang sa mapahupa ang national health emergency at maibalik ang normal business operations.


Ang mga establisyimento na nagsara o nahinto ang operasyon sa loob ng community quarantine period ay exempted sa pagbabayad ng holiday pay.

Facebook Comments