Pinalalatag ng plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer para sa kanilang mga manggagawa.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, dapat bumalangkas ng plano ang mga ito na makapagbibigay ng disenteng trabaho, mapaganda ang buhay, at matamo ang social justice para sa mga manggagawang Pilipino.
Ito ang pahayag na ginawa ng kalihim sa ika-40 National Conference of Employers (NCE) na inorganisa ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).
Layon nito na mapagtibay ang prinsipyo ng diversity, inclusion, at paggalang sa karapatang pantao.
Sa kanyang mensahe sa 3rd plenary session ng conference, idiniin ni Secretary Laguesma na kailangan ang plano na ipatutupad ng tripartite partners upang makamit ang disenteng hanapbuhay, mapababa ang kahirapan at may kalidad na pamumuhay.