Pinayuhan ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) ang mga OFW sa HongKong na manatili sa kanilang mga tinutuluyan at iwasan ang mga lugar kung saan ikinakasa ang mga protesta.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, nakakatanggap sila ng mga ulat na magsasagawa ng serye ng protesta na magdudulot ng pagsuspinde ng public transport at business activities sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.
Pinaiiwasan din ang mga Pilipino sa HongKong na magsuot ng puti o itim na damit sa kalsada upang hindi mapagkamalang raliyista.
Sa impormasyon mula sa Philippine Consulate General sa HongKong, ang protesta ay isasagawa sa mga sumusunod na lugar.
- Tsim Sha Tsui Police Station (October 10)
- New Town Plaza Shatin (October 12)
- Victoria Park and Edinburgh Place (October 13)
- Edinburgh Place and Chater Garden (October 14)
- Resumption of Legislative Council (October 16)
- The Riverpark Tai Wai to Shatin (October 20)
- Yuen Long MTR Station (October 21)
- Tamar Park Admiralty (October 26)
- Prince Edward MTR Station (October 31)
Tinatayang nasa 150,000 OFW ang nasa HongKong.
Facebook Comments