DOLE, pinayuhan ang pamilya ng mga nawawalang pinoy seamen na huwag mawalan ng pag-asa 

COURTESY: Japan Coast Guard Handout/Reuters

“Mayroong pag-asa” 

Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pamilyang nagluluksa dahil hindi pa rin mahanap ang mga Pilipinong tripulante ng Panamanian vessel na lumubog sa karagatan ng Japan. 

Ayon kay Bello, nagsasagawa na ng search and rescue operations ang China, Taiwan at South Korea. 


So don’t give up on your loved ones because there’s really hope. Three foreign governments are helping us find them,” sabi ni Bello. 

Sinabi rin ni Bello na sumulat na sila sa tatlong bansa noong nakaraang linggo para humingi ng tulong para sa paghahanap kasunod na rin ng hiling ng pamilya ng mga seafarer. 

Ang pamilya ng mga biktima ay binigyan na ng financial assistance sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration.  

Una nang natagpuan ng Japanese Coast Guard ang tatlong Pilipinong marino, dalawa sa kanila ang nakaligtas habang isa ang nasawi. 

Facebook Comments