DOLE, pinayuhang magpatawag ng konsultasyon kaugnay sa planong pag-antala ng 13th month pay ng mga manggagawa

Iminungkahi ni Sen. Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na magpatawag ng konsultasyon kaugnay sa planong hindi pagbibigay ng 13th month pay ng mga manggagawa.

Ayon kay Villanueva, na siya ring Chairman ng Senate Committee on Labor, dapat mag-convene ang tripartite council para bumuo ng patakaran na magiging katanggap-tanggap sa mga mangagawa.

Bagama’t nauunawaan niya ang katayuan ng mga employer partikular ng nasa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), seryosong bagay naman aniya para sa mga manggagawa ang 13th month pay.


Sa ngayon, kailangan aniyang magkaroon ng win-win solution para pare-parehong matulungan ang mga manggagawa at employer.

Facebook Comments