DOLE, planong magpadala ng displaced OFWs sa China at Russia

Sinisilip ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magpadala ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa China at Russia.

Bukod sa dalawang bansa, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaaring magpadala ang gobyerno ng displaced OFWs sa Czech Republic at Taiwan.

Sinabi ni Bello na mahalagang matingnan din ang “new markets” para sa mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.


Tinatayang nasa 354,000 OFWs ang nawalan ng trabaho habang nasa 200,000 OFWs ang tumangging umuwi ng Pilipinas para makipagsapalaran kung saang bansa sila ay naroroon.

Facebook Comments