DOLE, planong magsagawa ng survey sa mga manggagawang nangangailangan ng bisikleta sa gitna ng pandemya

Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magsagawa ng survey sa kung ilang manggagawa sa bansa ang nangangailangan ng bisikleta sa gitna ng limitadong pampublikong transportasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinisilip nila ang posibilidad na humingi ng bike donation offers mula sa Japanese businessmen.

Sinabi rin ni Bello na may ilang Filipino Communities abroad ang handang makipagtulungan at mag-donate ng bisikleta para sa mga manggagawa.


Nabatid na tumaas ang paggamit ng bisikleta nitong mga nagdaang buwan nang ipatupad ang quarantine restrictions.

Facebook Comments