DOLE, posibleng tanggalin na ang deployment suspension sa mga health workers

Tinitignan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad na tanggalin na ang suspensyon sa pagde-deploy sa ibang bansa ng mga health care workers.

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-alis ng mga nurses at medical professionals na nakakumpleto na ng kanilang dokumento hanggang noong katapusan ng Setyembre.

Tiniyak naman ni Bello na hindi mawawalan ang bansa ng mga medical workers sakaling lumala pa ang pandemya.


Aniya, nililimitahan lamang sa 5,000 nurses at healthcare workers kada taon ang kanilang papayagang umalis.

Dahil dito, nabatid na aabot sa 1,200 medical workers ang maaari nang makaalis ng bansa.

Facebook Comments