DOLE, pumirma sa isang kasunduan para sa programang JobStart Philippines

Lumagda ng Memorandum of Understanding ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pribadong sektor para sa pagsusulong ng programang JobStart Philippines.

Layon ng programa na maihanda ang mga kabataang Pilipino sa buhay manggagawa at mapahusay ang kanilang kakayanan sa pagpasok sa ibat ibang industriya.

Nanguna si Labor Sec. Bienvenido Laguesma para sa DOLE sa paglagda ng nasabing kasunduan.


Kabilang sa mga hakbang na isasagawa ng mga ka-partner ng DOLE ay ang career coaching, life skills at technical training gayundin ang internship sa ibat ibang employer.

Una nang tinukoy ng mga eksperto na isa ang kakulangan ng kasanayan ng mga bagong manggagawa sa dahilan ng kabawasan sa oportunidad sa mahusay na pagtatrabaho.

Habang ang iba naman ay pumupunta na lamang ng ibang bansa upang doon magsapalaran sa pagta-trabaho.

Facebook Comments