DOLE-QUIRINO, GINAWARAN NG PAGKILALA NG BJMP

CAUAYAN CITY – Ginawaran ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng plake ng pagkilala ang DOLE-Quirino dahil sa pagtulong at pagsuporta nito sa naturang ahensya para sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Kabilang sa pagtulong at suportang ginawa ng DOLE-Quirino ay ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga PDLs sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) at programang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged (TUPAD) Workers.

Maliban dito, nagpapakita din ito ng matatag na ugnayan sa pagitan ng DOLE at BJMP sa pag-abot ng bagong buhay para sa mga PDLs.


Sa ilalim ng DILP ay mayroong 15 indibidwal na sumailalim sa pandesal-making project habang 4 na katao naman ay sa dishwashing soap-making, carpentry, welding at tailoring projects.

Samantala, 90 PDLs naman ang nabigyan ng pansamantalang kabuhayan sa pamamagitan ng pagtatanim ng at iba pang pagkakakitaan.

Facebook Comments