DOLE R2, FINALIST SA PUBLIC AFFAIRS AT EDUCATION NATION-BUILDING AWARDS

Cauayan City – Kinilala ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 bilang isa sa mga finalist sa 3rd Public Affairs, Communication, and Information (PACI) Congress at 3rd Gawad ACE BEN (Agency Contribution Ennobling Basic Education in Nation-Building)

Itinampok sa kompetisyon ang kontribusyon ng mga ahensiya ng gobyerno sa rehiyon sa pagpapabuti ng edukasyon.

Sa kanilang video entry, ibinahagi ng DOLE Region 2 ang tagumpay ng mga programa tulad ng Special Program for Employment of Students, Government Internship Program, Career Development Support Program, at Child Labor Elimination Program.


Tinanggap ni Labor Information Officer Ralffe Concepcion ang plaque of recognition bilang kinatawan ng Regional Director sa nasabing seremonya.

Ang PACI Congress ay nagsisilbing plataporma para kilalanin at ipagdiwang ang mga makabuluhang inisyatibo ng iba’t ibang stakeholder sa edukasyon na sumusuporta sa mga programa at adbokasiya ng DepEd Region 2.

Facebook Comments