DOLE R2, NAMIGAY NG TULONG PINANSYAL SA APAT NA ORGANISASYON SA GAMU

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng kabuuang P1,745,744 ang Lokal na Pamahalaan ng Gamu mula sa Department of Labor and Employment Region 2.

Ang naturang pondo ay magsisilbing tulong pinansiyal sa mga benepisyaryo na kabilang sa iba’t-ibang sektor sa bayan ng Gamu.

Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang Grupo ng Kalesa na mayroong dalawampung (20) benepisyaryo, dalawampu’t walong (28) benepisyaryo naman sa Livelihood Kits, Syntax na mayroong labing tatlong (13) benepisyaryo at labing limang (15) benepisyaryo sa PWD.


Facebook Comments