DOLE REGION 1 AT SAMAHAN NG CONSTRUCTION INDUSTRY TRIPARTITE, PINAGTIBAY

CALASIAO, PANGASINAN – Ang construction industry ay nananatiling pangunahing tagapagbigay ng trabaho sa Rehiyon 1, ito ang dahilan kung bakit pinagtitibay ng Department of Labor and Employment ang pakikipagtulungan nito sa mga kumpanya at stakeholder sa industriya sa layuning mapanatili ang konstruksyon bilang isang malusog at produktibong lugar ng trabaho.
Tinipon ng DOLE Regional Office 1 ang mga labor at management representative ng iba’t ibang construction firm sa Pangasinan, kahapon, ika-25 ng Abril 2023, sa bayan ng Calasiao.
Dito mahigit 50 labor at management representatives sa probinsiya ang lumahok sa pagtitipon, na naglalayong muling buhayin ang construction Industry Tripartite Council (ITC) sa lalawigan.

Ang mga ITC ay mga katawan na partikular sa industriya na inorganisa ng DOLE para isulong ang tripartism, o ang proseso ng konsultasyon sa pagitan ng gobyerno, pamamahala at paggawa upang pag-usapan ang mahahalagang alalahanin at isyu sa industriya.
Ang mga miyembro ng Pangasinan ITC ay nagkaroon ng pagkakataon na alamin ang leksyon ukol sa tripartism at social dialogue, gayundin ang ITC situationer sa Region 1.
Natutunan din nila ang mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), partikular sa skills development na may kaugnayan sa construction.#ifmnews
Facebook Comments