Nasa 292 na government interns ang hina-hire ngayon ng Department of Labor Employment Region 1 sa ilalim ng programang Government Internship Program o (GIP).
Ang nasabing programa ay para sa mga dependent ng minimum wage earner edad 18- 30. Nakatakdang magtrabaho ang mga ito sa loob ng tatlong buwan mula Agosto hanggang Nobyembre ngayong taon.
Tatanggap ang mga ito ng 370 na stipend o sahod kada araw.
Ayon kay DOLE Regional Director Evelyn Ramos, prayoridad sa nasabing programa ang mga dependents ng mga minimum wage earner upang matulungan ang mga ito sa kabila ng patuloy na pagtaas ng inflation rate.
Aabot sa 7, 318, 910 ang pondong inilaan ng kagawaran sa naturang programa.
Sa mga nagnanais na mag-apply kailangan lamang bisitahin ang kanilang official fan page na DOLE Region 1 upang makita ang link ukol sap ag-aapply. | ifmnews
Facebook Comments