DOLE REGION 2, NAMAHAGI NG TULONG PANGKABUHAYAN SA LALAWIGAN NG NUEVA VIZCAYA

CAUAYAN CITY – Ginawaran ng farm input business ang 90 members ng Samahan ng mga Manggagawa sa Global Heavy Equipment and Construction Corporation (SMGHECC) habang 25 na mga magulang at guardian ng child laborers ang nabigyan ng kabuhayan packages sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Bukod dito, sumailalaim din sila sa Business and Work Improvement Course kung saan ay malaking tulong sa kanila upang maging mahusay sa pamamahala ng kanilang negosyo o pinagkakakitaan.

Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program na may layuning mabigyan ng dagdag na kita ang mga benepisyaryo para sa kanilang araw-araw na pangangailangan.


Samantala, hinikayat naman ni DOLE Nueva Vizcaya Head Elizabeth Martinez na palaguin at ingatan nila ang kanilang natanggap na tulong para sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay.

Facebook Comments