DOLE REGION 2, TINIYAK A SUSUNDIN NG MGA EMPLOYER ANG SALARY INCREASE

Tiniyak ng Department of Labor ang Employment (DOLE) Region 2 na maipapatupad ng mga employer ang dagdag sahod sa rehiyon para sa mga manggagawa.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay John Mark Narag ang Public Information Officer ng DOLE Region 2, nagsasagawa ng inspeksyon ang kanilang tanggapan sa mga establisyemento upang matiyak ang pagsunod ng mga employer.

Sinabi din niya sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na reklamo at lahat naman ay sumusunod sa ipinatupad na dagdag sahod.

Samantala, may ilang mga employer naman ang nag file ng exemption sa DOLE na kinakailangan munang maaprobahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).

Matatandaan na inaprubahan nitong taon ang 50 hanggang 75 pesos na dagdag sahod sa buong Region 2 na ibibigay sa loob ng hanggang dalawang tranche.

Para sa mga manggagawa na kabilang sa non-agricultural sector, may 50 pesos dagdag sahod ang ibibigay ng dalawang beses.

Ang mga nasa agriculture sector naman ay may 55 pesos dagdag sahod na ipinatupad din sa dalawang tranches.

Habang ang mga nasa retail and services establishment naman ay may 75 pesos na dagdag sahod na ibibigay naman sa tatlong tranche.

Ayon pa sa kanya, maaaring magtungo sa kanilang mga tanggapan o mag-iwan ng mensahe sa kanilng Facebook page kung may problemang idudulog.

Facebook Comments