DOLE Secretary Bello III, Kinumpirma ang Ligal na Regularisasyon sa 6 Libong Workers ng Jollibee!

223

Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang regularisasyon sa anim na libong manggagawa ng Jollibee na nasa contructualization status sa National Capital Region o NCR.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Secretary Bello III, ito ay bahagi umano sa kampanya ng DOLE hinggil sa contructualization law laban sa illegal na contructualization.

Marami umano sa mga malalaking food chain na ang mga empleyado nila ay matagal nang regular pero ginagawang contructual tulad ng mga trabahador ng jollibee sa NCR ngunit malaki ang paniniwala ni Bello na mayroon din sa ibang rehiyon.


Dahil dito, tiniyak ni Secretary Bello III na mag-aapila rin sa tanggapan ng DOLE ang karamihang mga trabahador na nasa contructual status samantalang matagal nang regular sa kampanyang pinapasukan.

Samantala makikipagpulong si DOLE Secretary Silvestre Bello III sa NCR Regional Director Henry John Jalbuena upang talakayin ang naturang usapin.

Facebook Comments