DOLE, sinisikap na matapos ang OFW hospital bago magtapos ang termino ni Pangulong Duterte

Nagmamadali na ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tapusin ang OFW Hospital and Diagnostic Center bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon.

Ayon Labor Undersecretary Renato Ebarle, inaasahang matatapos ang ospital sa una o ikalawang kwarter ng taong 2022.

Ang lahat ng equipment ay ilalatag sa huling kwarter ng kasakuluyang taon.


Aabutin naman ng karagdagang anim na buwan bago tumanggap ang ospital ng mga pasyente.

Sinabi ni Ebarle na ang utos ni Pangulong Duterte ay matapos ang lahat ng proyekto sinimulan sa loob ng kanyang termino.

Ang four-storey, level 2 medical facility ay 15-percent complete mula nitong May 6.

Aniya, 24/7 na ang construction workers at nakiusap sila sa contractor na pagbilisin ang gawa para magkaroon ng soft opening sa Oktubre.

Ang OFW Hospital project ay nagkakahalaga ng 550 million pesos at itinatayo ito sa commercial land sa San Fernando, Pampanga.

Facebook Comments