Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mas marami pang manggagawa ang makatatanggap ng tulong sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pagpapalawig sa validity ng Bayanihan 2 ay makatutulong sa ahensya na makapamahagi pa ng benepisyo sa mas maraming manggagawa.
Aniya, magagamit na nila ang kanilang pondo kahit lumagpas sa December 19.
Mas mahaba na rin ang panahon sa pamimigay ng payout sa mga manggagawa.
Una nang inatasan ni Bello ang labor officials na pabilisin ang distribusyon ng ₱16.4 million na halaga ng ayuda sa mga manggagawang naapektuhan ng COVID-19 pandemic bago ang nakatakdang expiration nito sa December 19.
Facebook Comments