Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbuo ng departamento para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Labor Undersecretary Joji Aragon, nararapat lamang na mabigyan ang mga OFW ng maayos na serbisyo tulad ng financial assistance, benefits, at protection sa ilalim ng isang ahensya.
Ang panukalang Department of OFWs ay makakatulong para ang mga serbisyo at programa sa mga OFW ay maging epektibo at mahusay.
Hindi lamang ang mga manggagawa ang makikinabang dito kundi maging ang mga estudyante na nais sa abroad gawin ang kanilang training.
Ang panukalang Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment ay aprubado na sa Kamara nitong Marso habang nakabinbin ang counterpart bill nito sa Senado.
Facebook Comments