Nagpahayag ng suporta ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa panukalang maglaan ng ₱155 billion para sa wage subsidies at cash for work programs.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pagpasa ng Kongreso sa stimulus package ay para mapalawak ang pagbibigay ng wage subsidy sa mga manggagawa at makatulong na maibsan ang epekto ng pandemya.
Ipinapanukala rin ng DOLE ang Barangay Emergency Employment Program (BEEP) sa Kongreso para magbigay ng assistance sa mga manggagawa na nasa sektor ng tourism, transportation, trade at nagtatrabaho sa priority programs ng pamahalaan.
Sakop din nito ang mga freelancers at self-employed individuals, at mga OFWs.
Facebook Comments