Tagilid pa ang Department of Labor and Employment sa desisyong isasama ang United Kingdom sa mga bansang exempted o deployment ban para sa mga health workers.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, kailangan niya muna itong isangguni sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) bago aprubahan ang rekomendasyon.
Nilinaw rin ni Bello ang isyu tungkol sa umano’y pagpapadala ng mga nurse kapalit ng mga bakuna para sa mga ito.
Aniya, ang ibig niyang sabihin ay mas makakabuti kung babakunahan muna ang mga ito bago i-deploy sa kanilang bansa para matiyak ang kaligtasan ng mga healthcare workers maging ang mga residente ng UK.
Kaugnay nito, nagbaba ng kautusan si Bello sa Philippine Nurses Association (PNA) na magbigay ng ‘inventory’ o kumpletong bilang ng mga nurses nang sa gayon ay makakasiguro ang ahensya na hindi mauubusan ng health care workers ang bansa.