Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kaligtasan ng mga manggagawang nasa kontruksyon ng mga pasilidad na gagamitin sa 30th Southeast Asian Games.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, hindi masasakripisyo ang kaligtasan ng ilang manggagawa lalo paspasan na ang pagtatayo ng mga pasilidad habang nalalapit ang pagbubukas ng Biennial Meet.
Magpapadala sila ng mga Labor Inspectors sa ilang site para matiyak na sumusunod ang mga contractor sa Occupational Safety at Health Standard.
Magpapadala rin ang DOLE ng team upang inspeksyunin kung kumpleto sa Safety Equipment ang mga manggagawa na nagtatrabaho sa iba pang venue ng Sea Games.
Handa rin nag DOLE na maghain ng kaso kung may mapatunayang may paglabag ang contractor sa Safety Standards.