DOLE, tiniyak ang tuloy-tuloy na pagtugon sa isyu ng unemployment rate

 

Tuloy-tuloy na nagsasagawa ng programa ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang mabawasan ang usapin hinggil sa unemployment rate.

Ayon kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, isa sa mga ginagawa nila ay ang pagkakasa ng mga job fair na paraan upang ilapit sa mga naghahanap ng trabaho ang mga maaari nilang pag-aplayan.

Aniya, nadadagdagan ang nagkakaroon ng interes na maghanap ng trabaho kasi dati may mga ayaw nang maghanap ng trabaho dahil nawawalan na ng pag-asa.


Pero ngayon, nadagdagan ang bilang ng nagkaroon ng trabaho kung ikukumpara ang unempployment level noong nakaraang taon.

Nabatid na tumaas nang bahagya ang unemployment rate mula 3.4 percent noong February naging 3.9 percent ito nitong March 2024

Aminado ang kalihim na isa sa mga hamon ng pagtaas muli ng unemployment rate ay ang “mismatch” o hindi pagtugma ng mga jobseeker sa kanilang inaaplayang trabaho kung kaya’t patuloy silang gumagawa ng hakbang at nakikipag-ugnayan sa ibang kumpaniya at departamento upang matugunan ang isyu.

Facebook Comments