Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa 150,000 displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) na maibabalik ang kanilang mga trabaho na nawala dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon Labor Secretary Silvestre Bello III, unti-unting bumubuti ang sitwasyon kasabay ng pagbubukas ng ilang bansa, na nangangahulugan ng oportunidad para sa mga Pilipinong manggagawa.
Sinabi rin ni Bello na mayroong posibilidad na muling tanggapin ang mga OFW sa mga bansang nakakabangon na ang ekonomiya.
Handa ang pamahalaan na tulungan ang mga OFW lalo na sa pagsunod sa health protocol requirements na ipinapatupad ng ibang bansa.
Facebook Comments