Kumpiyansa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magiging mabilis at maayos ang pagpapauwi ng mga repatriated Overseas Filipino Worker (OFW) sa kani-kanilang mga lugar.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa loob lamang ng tatlo hanggang limang araw ay matatapos ang pagpapauwi mula sa paglapag sa bansa ng mga OFWs na umuwi ng bansa matapos mawalan ng trabaho dulot ng pandemya.
Aniya, pinabilis na ngayon ang proseso ng registration, testing at proseso ng transportasyon.
Sinabi ni Bello, mayroong average na 200 hanggang 300 OFWs kada araw ang napapauwi sa kanilang mga probinsiya dahil sa pinabilis na sistema.
May kabuuang 53,000 na OFWs ang napauwi at nakabalik na sa kanilang mga pamilya.
Facebook Comments