DOLE, tiniyak na mas ipa-prayoridad ang mga Pinoy workers kaysa sa mga dayuhang manggagawa

Maglalabas ng bagong Memorandum Circular (MC) ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa usapin ng pagdami ng mga manggagawang dayuhan.

Sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sa ilalim ng MC ay mabibigyan na ng pagkakataon ang mga Pilipino na maunahan ang mga dayuhan sa pagpili ng mga trabaho.

Ilan aniya dito ay ang pagpalabas nila ng pangalan ng dayuhang aplikante at ang trabahong inaaplayan nito at dito mabibigyan ng isang buwan ang alinmang Pilipino para kontrahin at kunin na lamang ang trabaho.


Sakaling may isang Pilipino na nagpakitang kaya nito ang nasabing trabaho ay hindi na sila magbibigay ng working visa sa isang dayuhan.

Facebook Comments