DOLE, tiniyak na may ayudang matatanggap ang mga manggagawang apektado ng ECQ sa NCR+

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng panibagong round ng ayuda sa mga empleyadong apektado ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sa ilalim ng Bayanihan 2, may nakalaang P4 bilyon para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) habang P4 bilyon naman para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD).

Aniya, sasanayin bilang mga contact tracer ang mga mabibigyan ng trabaho sa ilalim ng TUPAD program na itatalaga sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.


May nakalaan naman na P2 bilyon na pondo para sa mga stranded na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ilalim ng AKAP.

Hinikayat naman ni Bello na magsumite na sa DOLE ang mga employer ng listahan ng mga empleyado na labis na apektado ng ECQ.

Facebook Comments