Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga negosyante partikular ang maliliit na kumpanya na makasunod sa health protocol dahil sa epekto ng COVID-19.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOLE Asec. Dominique Rubia Tutay na mayroon silang team katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) ang nagsimula nang mag-ikot sa mga kumpanya.
Aniya, hindi naman agad papatawan ng parusa ang mga kumpanyang hindi makakasunod sa health protocol.
Batay kasi sa obserbasyon ng National Task Force against COVID-19 kulang ang orientation o pagsunod ng mga manggagawa sa public safety at minimum health standards.
Iminungkahi naman ni Tutay sa mga kumpanya ang pagkakaroon ng schedule sa paggamit ng pantry o kainan para maiwasan ang pagkalat ng virus sa work place area.