DOLE, tiniyak na tutulungan ang mga kumpanya para makasunod sa health protocols; pagkakaroon ng schedule sa paggamit ng pantry, iminungkahi

49

Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga negosyante partikular ang maliliit na kumpanya na makasunod sa health protocol dahil sa epekto ng COVID-19.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOLE Asec. Dominique Rubia Tutay na mayroon silang team katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) ang nagsimula nang mag-ikot sa mga kumpanya.

Aniya, hindi naman agad papatawan ng parusa ang mga kumpanyang hindi makakasunod sa health protocol.

Batay kasi sa obserbasyon ng National Task Force against COVID-19 kulang ang orientation o pagsunod ng mga manggagawa sa public safety at minimum health standards.

Iminungkahi naman ni Tutay sa mga kumpanya ang pagkakaroon ng schedule sa paggamit ng pantry o kainan para maiwasan ang pagkalat ng virus sa work place area.

Facebook Comments