Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tutulungan ang mga overseas Filipino workers (OFW) na mai-deployment muli sa ibang bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, aabot na sa 250,000 repatriated OFWs ang nabigyan ng assistance mula sa pamahalaan.
Sinabi ni Bello na marami pa rin ang gustong bumalik at magtrabaho abroad.
“Some of them still want to go back… In fact, there are alternative markets. We will help our OFWs to get deployed again,” ani Bello.
Ang mga ayaw nang bumalik abroad ay bibigyan ng initial cash at livelihood assistance.
Para matulungan ang mga OFWs, binibigyan ang mga ito ng ₱10,000 o $200 cash aid sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program para muling makapagsimula ang mga ito mula sa epekto ng pandemya.