Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi magkakaroon ng “immediate impact” sa employment ang pagtigil ng broadcast operations ng ABS-CBN dahil hindi nito inaalis ang corporate existence.
Kasunod ito ng utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN na itigil ang pagbo-broadcast nito sa TV at radio channels matapos mapaso ang nitong mayo 4 ang kanilang prangkisa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, may mga remedyo at ang mga empleyado ay patuloy na makakapagtrabaho at entitled sila sa labor standards.
Aniya, naniniwala siyang mare-resolba ang isyu gamit ang applicable rules at regulations.
Sakop ng kautusan ng NTC ang 42 television stations ng ABS-CBN, kabilang ang flagship Channel 2, 10 digital broadcast channels, 18 FM stations at 5 AM stations, kabilang ang DZMM radio.