DOLE, tiwalang maaabot ang Bayanihan 2 deadline para sa pamamahagi ng cash aid

Kumpiyansa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maaabot nila ang deadline sa pamamahagi ng cash aid sa mga formal at informal workers.

Ito ang pahayag ng DOLE matapos maiulat na higit 93% ng ₱16 billion na allocation para pantulong sa mgas manggagawa kabilang ang overseas Filipino workers (OFWs) ang na-download sa regional at overseas offices.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang maagang paglalabas ng pondo para sa mga benepisyaryo ng assistance programs ay nakatulong para maabot nila ang deadline.


Sakop nito ang financial aid sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at Abot Kama yang Pagtulong (AKAP) Program, emergency employment sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program at livelihood assistance sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Nasa ₱7.4 billion ang inilaan para sa CAMP, ₱4.9 billion sa TUPAD, ₱1.8 billion sa AKAP at ₱132 million sa DILP.

Ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ay nakatakdang mapaso sa December 19.

Facebook Comments