DOLE TUPAD PAYOUT, UMARANGKADA SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Apat na raan at apatnapu’t anim ang naging benepisyaryo ng TUPAD Payout na programa ng Department of Labor and Employment o DOLE sa bayan ng San Nicolas.
Matagumpay naman ang pagsasagawa nito sa pakikipag-ugnayan ng mga kawani ng DOLE sa Distrito ng nasabing bayan sa Department of Labor and Employment sa pangunguna ni Secretary Benny Laguesma.
Layunin ng payout na makatulong sa gastusin at pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Lubos ding nagpasalamat ang kongresista ng San Nicolas sa mga sipag at sakripisyo ng mga manggagawa ng nasabing bayan. |ifmnews
Facebook Comments