DOLE, umapela sa mga employer sa Cebu matapos ang nangyaring lindol

Umaapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer at kumpanya na maging maunawain sa kanilang mga manggagawa na naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu.

Ang pakiusap ng DOLE ay kasunod ng napaulat na umano’y labor violations ng ilang business process outsourcing (BPO) companies sa Cebu na pinilit pa rin ang mga empleyado na agad bumalik sa trabaho matapos ang malakas na lindol.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, hindi dapat ituring na pagtanggi o pagsuway ang hindi pagpasok sa trabaho ng mga manggagawa na maaaring patawan ng parusa.

Aniya, sa halip ay dapat pa nga silang bigyan ng kaukulang tulong bilang bahagi ng corporate social responsibility ng mga kumpanya.

Pinaaalalahanan din ni Laguesma ang mga manggagawa na unawain ang kalagayan ng kanilang employer at iwasan ang agarang pagrereklamo.

Dagdag pa ng kalihim, mas mainam na dumaan sa maayos na dayalogo upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan na maaaring magdulot ng hidwaan at tensyon sa workplace.

Facebook Comments