Umaapela na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Pilipinong manggagawa sa Libya na tanggapin ang repatriation program ng gobyerno.
Ito ay sa gitna na rin ng lumalalang kaguluhan sa African state.
Panawagan ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga OFW na magtungo sa embahada para sa agarang repatriation.
Dagdag pa ni Bello – plano niyang italaga ang isang dating foreign affairs official bilang consultant para mamuno sa augmentation team ng DOLE na ipinadala sa Libya.
Hawak na rin ng DOLE ang mga address ng mga Filipino workers sa Tripoli.
Tiniyak ng DOLE na aasikasuhin nila ang koleksyon ng sahod ng mga manggagawa at pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga ito.
Sa datos ng labor department ay aabot sa 2,600 documented Filipino workers sa Libya.