Manila, Philippines – Inumpisahan na ng Deaprtment of Labor and Employment ang census sa mga dayuhang na nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators.
Ayon kay DOLE – Bureau of Local Employment Dir. Dominique Tuyay – nakipag-ugnayan na sila sa mga kinauukulang ahensiya para sa gagawing census.
Sa gagawin operasyon, kasama ng DOLE ang Philippine Amusement and Gaming Corp. at Bureau of Immigration.
Layon ng kampaniya na malaman ang eksaktong bilang ng dayuhan na nagtatrabaho sa pogo at kung ilan sa kanila ang iligal.
Agad namang paalisin sa bansa ang mga dayuhang walang special work permit o alien employment permit.
Una na kasing natuklasan sa pagdinig sa Senado na tinatayang higit 119,000 banyaga ang nagta-trabaho sa bansa dahil sa special work permit at karamihan sa kanila ay Chinese nationals.