Naniniwala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tama lamang na tapyasin ang bilang ng non-working holidays sa calendar year.
Matatandaang inanunsyo ng Malacañang na ang All Soul’s Day (Nov. 2), Christmas Eve (Dec. 24), at New Year’s Eve (Dec. 31) ay hindi muna ikinonsiderang non-working holidays.
Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, wala itong historical o cultural significance.
Aniya, nais lamang ng pamahalaan mapahusay ang productivity ng mga negosyo at kumpanya.
Sa Asya, sinabi ni Bello na ang Pilipinas ang may pinakamaraming non-working holidays.
Iginiit ng kalihim na kailangang i-rationalize ang non-working holidays.
Facebook Comments