Dolomite at Baseco Beach, hindi pa ligtas liguan ng publiko

Muling ipinapaalala ng lokal na pamahalaan ng Maynila na mahigpit na ipinagbabawal ang pagligo sa Dolomite at Baseco Beach.

Ito’y dahil sa nananatiling mataas ang antas ng lebel ng coliform na delikado sa kalusugan ng tao.

Ayon kay Mayor Honey Lacuna, batid ng Manila Local Government Unit (LGU) na karamihan sa mga residente ay nagnanais na maligo sa Dolomite at Baseco Beach lalo na sobrang init ng panahon.


Bukod dito, kadalasan daw ay inaanod pa ang mga basura sa dalampasigan kung kaya’t hindi talaga ligtas ang maligo rito.

Maaari naman daw mamasyal ang publiko sa Dolomite at Baseco Beach pero maiging tuwing umaga o hapon magtungo at huwag sa kasagsagan ng tindi ng sikat ng araw.

Nabatid na nitong nagdaang Semana Santa, pumalo sa halos 15,000 ang nagtungo sa Dolomite Beach para mamasyal kung saan nananatili naman malinis at maayos ang paligid nito.

Facebook Comments